Ang Pagbabalik by Jose Corazon de Jesus

 

ANG PAGBABALIK


Paksa ng Tula:

Ang paksa ay tungkol sa kalungkutang nadarama ng manunulat dahil sa pagkalayo nila ng kanyang asawa. Ito ay dahil sa kanyang hanap-buhay at sa kanyang pagbabalik ay nalaman niyang wala na ang kanyang minamahal, 

Mensahe ng Tula:

Ang mensahe ng tula na aking nakuha ay naipakita dito ang katangian ng isang Pilipino na lubos magmahal. Pinakita dito paninindigan at tapang ng mga Pilipino sa pagmamahal. Dapat natin tularan ang ehemplo sa tula na ito na ang lalaki ay handang magsakripisyo ng lahat para sa paghahanap-buhay upang magampanan niya ang kanyang pamilya. Kahit pa'y mahirap at nakakalungkot, ginawa niya pa rin ito. Pinanindigan niya na siya ay babalik ngunit sa saknyang pagbalik ay wala na ang kanyang minamahal. Ang mensahe nito para sa panlipunan ay dapat na handa natin isakripisyo ang lahat para sa ating bayan. Gawin natin ang lahat sa ating kakayanan upang makatulong sa ating bayan.

Comments

Popular posts from this blog

Kalupi ng Puso by Jose Corazon de Jesus

Sa Pamilihan ng Puso by Jose Corazon de Jesus