Kalupi ng Puso by Jose Corazon de Jesus



KALUPI NG PUSO

Paksa ng Tula

Ito ay isang tulang padadamdaming tungkol sa damdamin o pagmamahal ng isang tao. Dito makikita natin ang kasiyahan at sakit na nadaranasan ng tao sa pag-ibig. Masarap at masayang magmahal ngunit may sakit rin itong dinadala. Pinapakita dito na dapat maging matalino tayo sa kung sino ang ating mamahalin upang maiwasan tayong masaktan. 

Mensahe ng Tula:

Ang mensahe na aking nakuha sa tula ay talagang darating ang panahon at punto na hindi natin maisabi ang ating nararamdamang kalungkutan sa iba. Dahil dito, kailangan natin ng isang kasangkapan na maari nating mailabas ang ating nararamdaman. Marami tayong mararanasan na pait at kalungkutan kaya't kailangan natin ng isang  tao o bagay na masasandalan natin kapag tayo'y hirap na upang lumuwag ang ating puso't isipan. Nakita ko rin na huwag dapat nating pagsisihan ang mga nabigong pag-ibig dahil dito tayo natututong lumago at umunlad bilang tao. Maging maunawain tayo sa ating kapwa tao at maging tulong or inpirasyon tayo upang sila ay ating matulungan.

Comments

Popular posts from this blog

Sa Pamilihan ng Puso by Jose Corazon de Jesus

Ang Pagbabalik by Jose Corazon de Jesus