Ang Pamana by Jose Corazon de Jesus

 


Ang Pamana

Paksa ng tula:

Ang paksa ng tula ay tungkol sa kalungkutan ng persona sa malapit ng pagpanaw ng kanyang nanay. Makikita natin dito na wala ng halaga ang mga materyal na bagay sa persona kung mawawala lang rin ang kanyang nanay. Dito makikita ang pagmamahalan ng isang anak at ang kanyang nanay.

Mensahe ng tula:

Ang mensahe ng tula ay pahalagahan natin ang ating nanay at pamilya natin. Sila'y mawawala rin balang araw kaya't ipakita natin ang ating pagmamahal. Walang kwenta ang materyal na bagay kung sila lang rin ay mawawala. Sila ang pinaka-importante sa buhay natin kaya't magpasalamat tayo sa kanila. Wag natin paabutin sa punto na pagsisisihan natin dahil hindi natin sila napahalagahan at nabigyan ng importansya. Ang mensahe naman nito para sa panlipunan ay dapat nating mahalin ng lubos ang ating inang bayan. Ang bayan natin ang ating kinalakihan at pinagmulan kaya dapat lang tayo magbigay pabalik dito. Pahalagahan natin ang ating bayan at gawin ang lahat upang sumuporta dito.

Comments

Popular posts from this blog

Kalupi ng Puso by Jose Corazon de Jesus

Sa Pamilihan ng Puso by Jose Corazon de Jesus

Ang Pagbabalik by Jose Corazon de Jesus