May mga Tugtuging di ko Malimot by Jose Corazon de Jesus


 MAY MGA TUGTUGING DI KO MALIMOT

Paksa ng tula:

Ang paksa ng tula ay pumapaksa tungkol sa pangungulila o kalungkutan na nadarama ng isang tao dahil sa mga alaalang pilit na kinakalimutan ngunit hindi makalimutan. Ito ay nanatili pa rin sa kanyang puso't damdamin. Kailangan natin tanggapin na sa pag-ibig, dapat nating tanggapin na hindi lahat ng gusto natin ay mangyayari. Hindi naghahanap ng kapalit ang tunay na pag-ibig. Ito ay parang isang tugtugin na hindi niya malimot.

Mensahe ng tula:

Ang mensahe ng tula ay hindi ka mananalo sa lahat ng bagay. Normal lang ang pagkabigo kaya't kailangan natin ito tanggapin. Ang pag-ibig ay hindi laging panalo at minsa'y nagdudulot ng sakit. Hindi siguradong maayos lagi ang pagtakbo ng relasyon dahil sa mga problemang dumarating sa atin. Hindi natin maipipilit ang hindi talaga para sa atin. Maging masaya nalang tayo dahil  ito pa rin ay parang tugtugin na magpapaalala sa mga nangyaring magaganda sa buhay natin. Ang mensahe nito para sa panlipunan ay kahit tayo'y nabibigo na, tuloy lang ang ating suporta para sa ating bayan. Wag tayo huminto dahil sa pagkabigo. Tanggapin nalang natin ito at tuluyang tumulong sa ating bayan.

Comments

Popular posts from this blog

Kalupi ng Puso by Jose Corazon de Jesus

Sa Pamilihan ng Puso by Jose Corazon de Jesus

Ang Pagbabalik by Jose Corazon de Jesus