Sintesis ng mga Tula ni Jose Corazon de Jesus

 

Sintesis ng Mga Tula ni Jose Corazon de Jesus

Ang "Isang Punongkahoy" ay tungkol sa malapit ng paglisan ng tao. Ito ay nagpapakita ng karanasan at kaisipan nga tao. Dito makikita natin na kailangan nating makidanas at makisangkot sa bayan dahil ito ay ang nagbibigay ng importansya sa buhay. Maging insipirasyon tayo para sa ibang tao upang tayo'y magpatuloy sa pag-unlad ng ating bayan,

Ang "Manggagawa" ay tungkol sa hirap at pawis na dinaranas ng mga manggagawa. Sinasakripisyo nila ang kanilang pawis at dugo sa paghahanap-buhay. Sila ay mga tunay na bayani. Kailangan natin sila bigyan ng halaga at importansya upang makatulong tayo sakanila. Gumawa tayo ng mga batas at patakaran na ikakabuti ng mga manggagawa.

Ang "Buhay ng Tao" ay tungkol sa karanasan ng bawat tao at kanilang mga pinagdadaanan. Isa na dito ang pagtataksil ng mga ibang tao kaya't naman kailangan natin maging matalino sa kung sino ang pinagkakatiwalaan natin. Pinapakita rin dito na huwag natin sayangin ang ating buhay at gumawa tayo ng mabuti hangga't tayo'y may lakas pa. Pag wala tayong nagawa, parang wala na rin silbi ang ating buhay.

Ang tulang "Ang Tren" ay tungkol sa pagdedesisyon para sa ating buhay. May mga iba't ibang kalsada na ating puntahan kaya dapat tayo'y magisip ng mabuti. Ito ay nagpapakita ng paglalakbay ng ating buhay. Pinapakita rin dito na kailangan nating bumalik sa ating pagmamahal sa bayan lalo na sa panahon ng amerikanisasyon. Magbalik tayo sa ating wikang Pilipino.

Ang "Puso, Ano ka?" ay tungkol sa gamit ng puso bilang proseso, unawa, at paglikha. Makikita dito ang importansya ng puso dahil ito ang nagpapakita sa ating pamumuhay, karanasan, at pag-intindi sa buhay natin. Ito ay nagpapakita ng kagamitan ng puso sa pag-unawa ng iba't ibang sitwasyon.

Ang "Pag-Ibig" ay tungkol sa iba't ibang paraan ng paghahatid o pagtanggap ng pag-ibig ng mga Pilipino. Pinapakita dito na ang pag-ibig ay sumasalamin sa pagmamahal natin sa kapwa, bayan, at ang ating sarili. 

Sa pagtatapos, makikita natin na ang mga tula ni Jose Corazon de Jesus ay nagpapakita ng maraming mga turo na maiihahantulad natin sa ating buhay. Magandang tignan natin ang mga mensahe ng tula dahil ito ay makakabuti sa Progresibong Lipunan. 

Comments

Popular posts from this blog

Kalupi ng Puso by Jose Corazon de Jesus

Sa Pamilihan ng Puso by Jose Corazon de Jesus

Ang Pagbabalik by Jose Corazon de Jesus