Posts

Sintesis ng mga Tula ni Jose Corazon de Jesus

Image
  Sintesis ng Mga Tula ni Jose Corazon de Jesus Ang "Isang Punongkahoy" ay tungkol sa malapit ng paglisan ng tao. Ito ay nagpapakita ng karanasan at kaisipan nga tao. Dito makikita natin na kailangan nating makidanas at makisangkot sa bayan dahil ito ay ang nagbibigay ng importansya sa buhay. Maging insipirasyon tayo para sa ibang tao upang tayo'y magpatuloy sa pag-unlad ng ating bayan, Ang "Manggagawa" ay tungkol sa hirap at pawis na dinaranas ng mga manggagawa. Sinasakripisyo nila ang kanilang pawis at dugo sa paghahanap-buhay. Sila ay mga tunay na bayani. Kailangan natin sila bigyan ng halaga at importansya upang makatulong tayo sakanila. Gumawa tayo ng mga batas at patakaran na ikakabuti ng mga manggagawa. Ang "Buhay ng Tao" ay tungkol sa karanasan ng bawat tao at kanilang mga pinagdadaanan. Isa na dito ang pagtataksil ng mga ibang tao kaya't naman kailangan natin maging matalino sa kung sino ang pinagkakatiwalaan natin. Pinapakita rin dito na

Sa Pamilihan ng Puso by Jose Corazon de Jesus

Image
 SA PAMILIHAN NG PUSO Paksa ng Tula: Ang paksa ng tulang ito ay tungkol sa kung ano dapat ang tunay na basehan ng pagmamahalan. Pinapakita dito ang mga epekto and bunga kapag tayo'y sumugal sa pag-ibig gamit ang mga ganito basehan.  Mensahe ng Tula: Kapag nagmahal ka, dapat ito ay tunay na pagmamahal. Wag kang magmamahal na kayamanan lang iyong iniisip dahil ito ay magdudulot lang ng sakit sayo. Magmahal tayo ng tunay, huwag tayo masisilaw sa mga bagay na hindi naman gaano ka-importante katulad ng pera at kagandahan. Nawawala ang mga materyal na bagay ngunit ang tunay na pagmamahal ay laging nandiyan. Hindi dapat natin ito ginagawang basehan kung pano tayo umibig. Ang mensahe nito para sa panlipunan ay matuto dapat tayong magmahal ng tunay para sa bayan. Huwag tayo maging peke sa ating mga kapwa tao at mahalin natin sila ng tunay.

Ang Pamana by Jose Corazon de Jesus

Image
  Ang Pamana Paksa ng tula: Ang paksa ng tula ay tungkol sa kalungkutan ng persona sa malapit ng pagpanaw ng kanyang nanay. Makikita natin dito na wala ng halaga ang mga materyal na bagay sa persona kung mawawala lang rin ang kanyang nanay. Dito makikita ang pagmamahalan ng isang anak at ang kanyang nanay. Mensahe ng tula: Ang mensahe ng tula ay pahalagahan natin ang ating nanay at pamilya natin. Sila'y mawawala rin balang araw kaya't ipakita natin ang ating pagmamahal. Walang kwenta ang materyal na bagay kung sila lang rin ay mawawala. Sila ang pinaka-importante sa buhay natin kaya't magpasalamat tayo sa kanila. Wag natin paabutin sa punto na pagsisisihan natin dahil hindi natin sila napahalagahan at nabigyan ng importansya. Ang mensahe naman nito para sa panlipunan ay dapat nating mahalin ng lubos ang ating inang bayan. Ang bayan natin ang ating kinalakihan at pinagmulan kaya dapat lang tayo magbigay pabalik dito. Pahalagahan natin ang ating bayan at gawin ang lahat upang

May mga Tugtuging di ko Malimot by Jose Corazon de Jesus

Image
  MAY MGA TUGTUGING DI KO MALIMOT Paksa ng tula: Ang paksa ng tula ay pumapaksa tungkol sa pangungulila o kalungkutan na nadarama ng isang tao dahil sa mga alaalang pilit na kinakalimutan ngunit hindi makalimutan. Ito ay nanatili pa rin sa kanyang puso't damdamin. Kailangan natin tanggapin na sa pag-ibig, dapat nating tanggapin na hindi lahat ng gusto natin ay mangyayari. Hindi naghahanap ng kapalit ang tunay na pag-ibig. Ito ay parang isang tugtugin na hindi niya malimot. Mensahe ng tula: Ang mensahe ng tula ay hindi ka mananalo sa lahat ng bagay. Normal lang ang pagkabigo kaya't kailangan natin ito tanggapin. Ang pag-ibig ay hindi laging panalo at minsa'y nagdudulot ng sakit. Hindi siguradong maayos lagi ang pagtakbo ng relasyon dahil sa mga problemang dumarating sa atin. Hindi natin maipipilit ang hindi talaga para sa atin. Maging masaya nalang tayo dahil  ito pa rin ay parang tugtugin na magpapaalala sa mga nangyaring magaganda sa buhay natin. Ang mensahe nito para sa p

Ang Pagbabalik by Jose Corazon de Jesus

Image
  ANG PAGBABALIK Paksa ng Tula: Ang paksa ay tungkol sa kalungkutang nadarama ng manunulat dahil sa pagkalayo nila ng kanyang asawa. Ito ay dahil sa kanyang hanap-buhay at sa kanyang pagbabalik ay nalaman niyang wala na ang kanyang minamahal,  Mensahe ng Tula: Ang mensahe ng tula na aking nakuha ay naipakita dito ang katangian ng isang Pilipino na lubos magmahal. Pinakita dito paninindigan at tapang ng mga Pilipino sa pagmamahal. Dapat natin tularan ang ehemplo sa tula na ito na ang lalaki ay handang magsakripisyo ng lahat para sa paghahanap-buhay upang magampanan niya ang kanyang pamilya. Kahit pa'y mahirap at nakakalungkot, ginawa niya pa rin ito. Pinanindigan niya na siya ay babalik ngunit sa saknyang pagbalik ay wala na ang kanyang minamahal. Ang mensahe nito para sa panlipunan ay dapat na handa natin isakripisyo ang lahat para sa ating bayan. Gawin natin ang lahat sa ating kakayanan upang makatulong sa ating bayan.

Kalupi ng Puso by Jose Corazon de Jesus

Image
KALUPI NG PUSO Paksa ng Tula :  Ito ay isang tulang padadamdaming tungkol sa damdamin o pagmamahal ng isang tao. Dito makikita natin ang kasiyahan at sakit na nadaranasan ng tao sa pag-ibig. Masarap at masayang magmahal ngunit may sakit rin itong dinadala. Pinapakita dito na dapat maging matalino tayo sa kung sino ang ating mamahalin upang maiwasan tayong masaktan.  Mensahe ng Tula: Ang mensahe na aking nakuha sa tula ay talagang darating ang panahon at punto na hindi natin maisabi ang ating nararamdamang kalungkutan sa iba. Dahil dito, kailangan natin ng isang kasangkapan na maari nating mailabas ang ating nararamdaman. Marami tayong mararanasan na pait at kalungkutan kaya't kailangan natin ng isang  tao o bagay na masasandalan natin kapag tayo'y hirap na upang lumuwag ang ating puso't isipan. Nakita ko rin na huwag dapat nating pagsisihan ang mga nabigong pag-ibig dahil dito tayo natututong lumago at umunlad bilang tao. Maging maunawain tayo sa ating kapwa tao at maging t